DTI: 7-anyos pataas payagan na sa malls
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na iminungkahi niya ito ngayong Kapaskuhan dahil hangarin naman ng gobyerno na buhayin ang ekonomiya na inilugmok ng COVID-19 pandemic.
Michael Varcas/File

DTI: 7-anyos pataas payagan na sa malls

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan nang maisama sa pagtungo sa mga mall ang mga menor-de-edad na 7-taong gulang pataas.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na iminungkahi niya ito ngayong Kapaskuhan dahil hangarin naman ng gobyerno na buhayin ang ekonomiya na inilugmok ng COVID-19 pandemic.

Nilinaw ni Lopez na ang kaniyang mungkahi sa IATF ay limitado lamang sa dining o pagkain sa labas at pamimili ng mga essentials.

Hindi pa rin naman pabubuksan ang amusement video arcades upang hindi pagmulan ng hawaan ng virus.

Gayunman, sinabi ni Lopez na ang local go­vernment units (LGUs) ay maaring magpatupad ng mas mataas o mas mababang limitasyon sa edad, depende sa sitwasyon ng COVID sa kani-kanilang nasasakupan.

Kamakailan lang nang payagan na ng IATF ang mga edad 15-65 na makalabas ng kanilang taha­nan.

Pabor din ang kali­him sa mas maikling oras ng curfew, multiple work shifts upang magkaroon ng pagkakataon ang mga manggagawa at mamimili na makapag-ambag sa ekonomiya, at unti-unti pang mapalawak ang business capacity ng 75%-100%, at pagpapa-iral ng one-seat-apart policy sa mga public transport.

DTI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with