Demand sa marijuana, shabu tumaas - PNP
Ayon kay Sinas, dahil sa pagpapatupad ng quarantine, nabawasan ang gimikan o pagtungo sa mga bar kung saan ecstacy ang pangunahing ginagamit ng mga drug users.
Miguel de Guzman

Demand sa marijuana, shabu tumaas - PNP

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aminado si Philippine National Police Chief (PNP) Chief, General Debold Sinas na tumaas ang demand sa marijuana at shabu ngayong quarantine kaya doble ang kanilang ginagawang kampanya upang masawata ang mga nagsasagawa ng illegal drugs activities.

Ayon kay Sinas, dahil sa pagpapatupad ng quarantine, nabawasan ang gimikan o pagtungo sa mga bar kung saan ecstacy ang  pangunahing ginagamit  ng mga drug users.

Dahil sa kawalan ng  gimikan o bar mas ginagamit ngayon ng mga addict ang marijuana at shabu. Ito ngayon ang  pinagtutuunan ng pansin ng  mga awtoridad alisunod na rin sa kautusan ni Pangulong Duterte na sugpuin ang  problema sa droga.

Sinabi ni  Sinas na ang  report na pagtaas sa demand ng  marijuana at shabu ang naging dahilan upang mas  paigtingin pa nila ang kanilang kampan­ya laban sa mga bigtime drug pushers sa bansa.

Isa na rito ang pagkakasabat ng P26-milyong marijuana sa Balintawak, Quezon City.

Nagiging front umano ng tatlong suspek ang ibinebentang  mga gulay at bawang mula Isabela.

Gayunman, sinabi ni Sinas na bagama’t dumaan sa checkpoint hindi naman nila binubungkal ang mga kargamento at sa halip ay tinitignan lamang ang papeles ng  driver at pasahero.

Ngunit ayon sa isang opisyal sa Camp Crame, nakakapagtakang lumusot sa maraming checkpoint ang mula sa Isabela ang illegal na kargamento lalo pa’t undersurveillance na ito.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with