Presyo ng COVID-19 test, ibinaba ng Red Cross
Ayon kay PRC Chairman at CEO, Sen. Richard Gordon, ibinaba nila ng P200 ang swab test, kaya mula sa dating P4,000 ay nasa P3,800 na ito sa ngayon.
Walter Bollozos/File

Presyo ng COVID-19 test, ibinaba ng Red Cross

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinaba ng Philippine Red Cross (PRC) ang presyo ng kanilang COVID-19 swab testing.

Ayon kay PRC Chairman at CEO, Sen. Richard Gordon, ibinaba nila ng P200 ang swab test, kaya mula sa dating P4,000 ay nasa P3,800 na ito sa ngayon.

Epektibo na ngayong Disyembre 1 ang naturang adjustment sa kanilang COVID testing fee para sa mga pribadong kliyente, walk-in, at mga inbound passengers sa NAIA.

Layunin aniya nito na makahikayat pa ng mas maraming taong magpapasuri laban sa naturang karamdaman na malaking tulong upang mapigilan ang pagkalat ng COVID.

Gayunman, nabatid na magcha-charge ang PRC ng P4,800 para sa mas mabilis na turnaround time na mula 12 hanggang 24 oras.

Para naman sa mga local government units (LGUs), magcha-charge ang PRC ng P3,300 at P4,800 para sa mga ins­titutions.

Ayon pa kay Gordon, nakakuha sila ng murang test kits mula sa China kaya’t nagawa nilang pababain ang presyo ng kanilang COVID swab tests. — Danilo Garcia

RED CROSS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with