^

Bansa

Pagparada sa bangkay ng anak pinalagan ni Rep. Cullamat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Hindi tropeo ang anak ko para iparada!”

Ito ang nagdadalamhating sentimyento ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat matapos umanong iparada ng mga sundalo ang bangkay ng kanyang anak na mistula umanong tropeo na ginamit pa sa propaganda.

Kinumpirma ni Cullamat na bunsong anak niya na si Jevilyn, 22, ang napatay matapos makasagupa ng tropa ng Army’s 3rd Special Forces Battalion ang mga armadong rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. San Isidro, Marihatag, Surigao del Sur.

Nilabag umano ng AFP ang International Humanita­rian Law (IHL) matapos na iparada sa publiko ang bangkay ni Jevilyn kung saan sa mga kumalat na larawan ay idinisplay ito katabi ng rifle at mga paraphernalia na nakumpiska sa engkuwentro.

Ayon kay Cullamat, naiintindihan niya kung bakit sumapi sa NPA ang kaniyang anak at sa kabila ng lahat ay ipinagmamalaki niya ito.

Ani Cullamat na hindi niya sinisi si Jevilyn sa naging desisyon nito sa pagsanib sa armadong pakikibaka laban sa gobyerno dahil bata pa lamang ay nasaksihan na nito ang pang-aapi sa kanilang mga Lumad kabilang na umano ang pagpatay ng mga paramilitary sa kanilang mga lider.

Ipinaabot naman ng mga kasamahan ni Cullamat sa Makabayan bloc solons ang pakikiramay sa pagkamatay ni Jevilyn sa engkuwentro.

Ipinaabot din ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang pakikiramay sa pamilya ni Cullamat kasabay ng panawagan sa Makabayan bloc solons na itatwa ang mga rebeldeng NPA at makiisa para sa ikasusulong ng pag-unlad ng bansa.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with