^

Bansa

Roque, Pacquiao iimbestigahan sa mass gathering

Mer Layson, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Roque, Pacquiao iimbestigahan sa mass gathering
Ayon kay DILG Sec.Eduardo Año, bubuo siya ng “fact-finding” investigation sa paglabag umano sa health protocol nina Sec. Roque at Sen. Pacquiao.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi palalampasin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang napaulat na mass gathering nina Presidential Spokesman Harry Roque at Sen. Manny Pacquiao.

Ayon kay DILG Sec.Eduardo Año, bubuo siya ng “fact-finding” investigation sa paglabag umano sa health protocol nina Sec. Roque at Sen. Pacquiao.

Ayon sa impormasyon ng DILG, nagresulta umano ang mga pagdalaw ng dalawang opisyal sa magkahiwalay na lugar ng malakihang pagtitipon ng mga tao at nabalewala na ang social distancing.

Nabatid na noong Biyernes ay guest si Roque sa isang okasyon sa Cebu dahil sa pagbubukas ng Bantayan Island Airport.

Sinasabing mara­ming tao ang dumalo sa okasyon at nalabag ang health protocol sa social distancing.

Kumalat naman sa social media ang litrato ni Sen. Pacquiao na nagsasalita sa harap ng mara­ming tao sa Batangas at hindi na rin nasunod ang social distancing.

“Umaapila tayo sa lahat, including government officials, kung meron ka­yong activities at hindi ninyo kayang ipatupad ‘yung health standards particularly, social distancing, stop it, huwag niyo nang ituloy ‘yan. You cannot just say sorry. Mahirap ‘yun,” sabi ni Año.

Sinabi naman ni Ro­que na welcome ang fact-finding investigation para makumpirma niya na bisita lang siya dito at pinaalalahanan niya ang mga tao na magsuot ng mask, hugas at iwas.

Sa inilabas ding paha­yag ni Jake Joson, special assistant ni Pacquiao, welcome rin para sa senador ang imbestigasyon.

vuukle comment

HARRY ROQUE

MASS GATHERING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with