2.6 milyong COVID-19 vaccine shots âdi agad ituturok sa higit 1 milyon target sa Pinas
Ang donasyong nagkakahalaga ng P600 milyon mula sa pribadong sektor ay advanced commitment para makatiyak na may nakalaan nang bakuna.
AFP/Siphiwe Sibeko/Pool

2.6 milyong COVID-19 vaccine shots ‘di agad ituturok sa higit 1 milyon target sa Pinas

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ni Health Undersecretary Mario Rosario Vergeire na hindi basta-basta ituturok na lang sa target na mahigit isang milyong Pinoy ang nakalaang 2.6 milyon shots ng coronavirus di­sease 2019 vaccine mula sa AstraZeneca na donasyon ng pribadong sektor.

“Hindi naman po ‘yan ibibigay kung sakaling hindi papasa sa regulatory process natin,” ani Vergeire.

Ang donasyong nagkakahalaga ng P600 milyon mula sa pribadong sektor ay advanced commitment para makatiyak na may nakalaan nang bakuna.

Noong Biyernes nagkaroon ng tripartite agreement ang Pilipinas, pribadong sektor at AstraZeneca para sa suplay na 2.6 million doses ng bakuna.

Ang AstraZeneca-Oxford’s COVID-19 vaccine ay 70% epektibo laban sa COVID-19 sa unang dose at tumaas pa sa 90% ma­tapos ang ikalawang dose na ibinigay makalipas ang isang buwan.

Paliwanag ni Vergeire, kailangan pang dumaan sa regulatory process sa bansa ang AstraZeneca vaccine para sa clearance ng Food and Drug Admi­nistration (FDA) at payagan na sa merkado sa pamamagitan ng rehistro.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with