Pagkabaog sa COVID-19 pinag-aaralan na ng DOH

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang ulat na diumano’y posibleng magdulot ng pagkabaog sa mga lalaki ang COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakita na rin nila ang nasabing artikulo at ipinaubaya na nila sa mga eksperto ang pag-aaral dito.

Posibleng magpalabas ng paliwanag ang DOH tungkol sa nasabing artikulo sa isang linggo.

Pero hindi anya kaagad dapat paniwalaan ang mga kahalintulad na artikulo.

Dapat ay sapat ang ebidensiya bago sila magbigay ng rekomendasyon sa mga mamamayan.

“We should have adequate and further evidence para dito bago po tayo makapagsabi at makapagrekomenda sa ating mga kababayan,”ani Vergeire.

COVID-19 DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with