DTI, DA kinalampag sa nagtaasang presyo sa palengke
“Puro matatamis na salita lang ang napapala natin mula sa DA at DTI. Walang natutupad na price control,” ani Marcos.
The STAR/Michael Varcas, File

DTI, DA kinalampag sa nagtaasang presyo sa palengke

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinalampag ni Sen. Imee Marcos ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na wala raw magawa sa nagtaasang presyo sa mga palengke kahit idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity sa buong Luzon dahil sa hagupit ng bagyong Ulysses.

“Puro matatamis na salita lang ang napapala natin mula sa DA at DTI. Walang natutupad na price control,” ani Marcos.

Sinabi ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, na mas malaki pa ang puhunan ng mga tindera kesa sa mga suggested retail price o SRP na pinataw ng gobyerno, kaya mas mataas ang presyuhan sa mga palengke.

Giniit ng mga tindera na nagmahal ang presyo ng mga bilihin dahil sa kapos na supply ng mga produkto mula sa mga lalawigan dulot ng pinsala ng bagyo sa agrikultura gayong mataas ang demand o panga­ngailangan ng publiko.

Mataas din ang mark-up cost ng mga middlemen o mga gumigitna sa pagbili ng mga gulay sa mga farmers.

DTI PALENGKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with