Christmas party, karoling bawal sa Metro Manila

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi matutuloy ang kaliwa’t kanang Christmas party na pinakaaabangan ng mga empleyado at ang pangangaroling na mas ‘patok’ sa kabataan dahil pa rin sa pag-iwas sa lalo pang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, nagkaisa ang Metro mayors na suspindihin o pigilin ang pagsasagawa ng tradisyunal na Christmas party sa mga pampublikong tanggapan gayundin ang paghimok sa pribadong sektor na huwag nang magdaos ng party ngayong Kapaskuhan dahil hindi pinapayagan ang pagtitipun-tipon o selebrasyon na hihigit sa 10 indibidwal ang dadalo habang nasa ilalim ng general community qua­rantine (GCQ) ang Metro Manila.

“No-caroling policy” din ang paiiralin sa Metro Manila  at upang mabantayan ito ay bubuo ng mga task force na tututok sa pagmomonitor laban sa magtatangka ng pisikal na karoling.

“Naglabas na kami ng executive order na walang physical caroling na mangyayari dito sa darating na Kapaskuhan,” ani Olivarez.

Hihingin din nila ang tulong ng mga opisyal ng barangay na magbantay upang hindi maka­pagsagawa ng karoling sa kani-kanilang lugar.

Ang rekomendasyon ng MMC na ipagbawal ang karoling ay naaprubahan na ng Inter-Agency Task Force.

Una nang nagkasundo ang 17 alkalde ng 16 lungsod at isang munisipalidad sa ginawang pagpupulong na manatili ang Metro Manila sa GCQ hanggang sa pagtatapos ng taon.

Matatandaang sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na hindi dapat na kumanta ng malakas tulad ng karo­ling dahil mas matindi ang pagkalat ng virus sa malakas na pagkanta kumpara sa normal na pakikipag-usap.

CHRISTMAS PARTY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with