^

Bansa

‘Conviction’ ng mag-asawang Tiamzon, hustisya sa NPA victims – AFP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinuturing ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tagumpay at hustisya sa mga biktima ng New People’s Army (NPA) ang conviction ng mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, na kapwa matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Hinatulan ng reclusion perpertua o pagkabilanggo ng hanggang 40 taon ng Quezon City  Regional Trial Court ang mag-asa­wang Tiamzon dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa apat na sundalo noong 1988.

Ayon kay AFP spokesman Major General Edgard Arevalo, ang hatol sa mag-asawa ay tagum­pay ng mga biktima ng pagpapahirap ng NPA.

Apela ni Arevalo, mas makabubuting sumuko na lamang angTiazom couple upang mas maging madali sa kanila ang sitwasyon at hindi na umabot pa sa anumang karahasan.

Ani Arevalo, patuloy naman ang kanilang manhunt sa mag-asawang Tiamzon lalo pa’t lumabag na ang mga ito sa probis­yon ng kanilang temporary liberty.

Nananatiling nagtatago ang mag-asawa kasabay ng nabigong peace negotiations.

Dagdag pa ni Arevalo, pagaganahin nila ang kanilang intelligence at surveillance team upang madakip ang mag-asawang Tiamzon.

vuukle comment

AFP

CPP

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with