_ngayon
^

Bansa

'Sample King' Jhong Hilario, GF na si Maia Azores, ibinunyag paparating na baby

Philstar.com
'Sample King' Jhong Hilario, GF na si Maia Azores, ibinunyag paparating na baby
Litrato nina Jhong Hilario at nobyang si Maia Leviste Azores habang inaanunsyo ang paparating nilang first baby
Mula sa Instagram accounts nina Jhong Hilario at Maia Leviste Azores

MANILA, Philippines — Inaasahan na ng aktor at "It's Showtime" host na si Jhong Hilaro at kanyang long-time girlfriend na si Maia Leviste Azores ang pagdating ng kanilang unang anak.

Sabay na ibinulgar ng dalawa ang balita sa kani-kanilang Instagram accounts kagabi, Huwebes, kung saan hawak-hawak ni Jhong ang tiyan ng kanyang partner.

Kapansin-pansin ang baby bump ni Maia habang nasa dalampasigan.

"Thank you Lord.! ????????? #SamplePrince or #SamplePrincess #Soon," balita nina Jhong at Maia.

Tuwang-tuwa at binati naman ng kanilang kasamahan sa industriya ng showbiz ang dalawa, na siyam na taon nang magkarelasyon sa ngayon.

"Yahoo!!! ???????? Congratulations," sabi ni Vhong Navarro, isa sa mga co-hosts ni Jhong na kasa-kasama na niya simula pa noong dancer pa sila sa grupong Streetboys.

"Congratulations Maia and Jhong!!!" sabi naman ni Anne Curtis, na matatandaang kapapanganak lang din ngayong 2020.

"Awwww so happy for you and @jhonghilario Congratulations! Keep safe always," saad naman ni tiyang Amy Perez-Castillo.

Maliban sa pagiging aktor at noontime show host, kilala ring konsehal sa unang distrito ng Lungsod ng Makati si Jhong matapos mare-elect sa posisyon noong 2019 sa ilalim ng partidong United Nationalist Alliance. — James Relativo

BABY IT'S SHOWTIME JHONG HILARIO PREGNANCY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with