2 milyong deal sa COVID-19 vaccine selyado na
“Masaya po kaming ibalita sa inyo na nagbu­nga po ang mga pag-uusap na ito at this coming Friday, pipirma po tayo ng tripartite agreement kung saan tayo po ay makaka­bili ng dalawang milyong doses ng bakuna mula sa AstraZeneca ng United Kingdom,” ani Galvez.
AFP/Vincenzo Pinto

2 milyong deal sa COVID-19 vaccine selyado na

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lalagdaan na ngayong Biyernes ang tripartite agreement kung saan makakabili ang gobyerno ng 2 milyong doses ng bakuna mula sa AstraZe-neca ng United Kingdom, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez.

“Masaya po kaming ibalita sa inyo na nagbu­nga po ang mga pag-uusap na ito at this coming Friday, pipirma po tayo ng tripartite agreement kung saan tayo po ay makaka­bili ng dalawang milyong doses ng bakuna mula sa AstraZeneca ng United Kingdom,” ani Galvez.

Sinabi rin ni Galvez na kapag nalagdaan na ang kasunduan ay saka magkakaroon ng expanded partnership ang public at pribadong sector.

“Kasama po natin ang mga pribadong sektor na nag-donate po nito,” ani Galvez.

Nilinaw ni Galvez na hindi maaaring i-replicate ang tripartite agreement pagdating sa ibang bakuna.

Idinagdag ni Galvez na maganda ang layunin ng UK at ng AstraZeneca dahil isinusulong nila na maging pantay ang access sa bakuna at non-profit ang negosasyon.

Sinabi rin ni Galvez na kung mayroon pang kompanya na mag-aalok ng mas mababang presyo ng bakuna ay kukunin ito ng gobyerno.

Kabilang pa sa mga  nangunguna sa pagdebe-lop ng bakuna ang Pfizer, Moderna, Sputnik V ng Russia na pawang nagsabi na higit 90 porsyento na ang bisa ng kanilang produkto.

Related video:

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with