Makabayan solons may konek sa CPP-NPA â Esperon
Sinabi ito ni National Security Adviser Hermogenes Esperon kaugnay ng red-tagging issue at pagharap ng ilang testigo na nagpapatunay na sila diumano ay na-recruit na maging aktibista at kalaunan ay nagkaroon ng mataas na posisyon sa CPP.
Presidential Photo

Makabayan solons may konek sa CPP-NPA – Esperon

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iginiit ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na may koneksiyon ang Makabayan solons sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democra-tic Front (CPP-NPA-NDF).

Sinabi ito ni Esperon kaugnay ng red-tagging issue at pagharap ng ilang testigo na nagpapatunay na sila diumano ay na-recruit na maging aktibista at kalaunan ay nagkaroon ng mataas na posisyon sa CPP.

Base sa pahayag ng mga testigo, malinaw na aktibo ang Makabayan sa paghihikayat ng mga kabataan para maging miyembro ng NPA.

Sinabi ni Esperon na siyang vice chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na hindi maaaring maghugas- kamay ang Makabayan dahil maliwanag sa mga ebidensiya na tumutulong sila para palakasin ang pwersa ng NPA.

Pinabulaanan din ni Esperon ang red-tagging ng NTF-ELCAC at nilinaw nito na nagsasabi lang sila ng katotohanan hinggil sa koneksiyon ng Maka­bayan at ng CPP-NPA.

CPP-NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with