P4.5 trilyon 2021 national budget pasado na sa Senado
Bumoto ang 24 sena­dor pabor sa 2021 Gene­ral Appropriations Bill
STAR/File

P4.5 trilyon 2021 national budget pasado na sa Senado

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang P4.5 trilyon national budget para sa susunod na taon.

Bumoto ang 24 sena­dor pabor sa 2021 Gene­ral Appropriations Bill (GAB).

Tanging sina Sen. Leila de Lima na nana­natiling nakakulong at Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na nagpositibo sa COVID-19 ang hindi naka­boto sa panukala.

Sinabi ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance na mananatili ang adhikain ng Senado na magamit ang pambansang budget sa pagbangon ng ekonomiya.
Matapos aprubahan, mag-uusap ang mga kinatawan ng Senado at House of Representatives sa isang bicameral conference committee upang i-reconcile ang pagkakaiba sa bersyon ng panukalang batas.

Inaasahang malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pambansang pondo bago matapos ang taon.

NATIONAL BUDGET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with