COVID-19 nakakabaog sa mga lalaki

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ngayon ng mga eksperto ang posibilidad na maaaring magdulot ng pagkabaog ang pagkakaroon ng COVID-19 sa mga lalaki makaraan ang mga ebidensya sa katawan ng mga nasawi na lubhang naapektuhan ang parte ng ‘testicle’.

Sa pag-aaral ng mga mananaliksik sa University of Miami sa Estados Unidos, nagsagawa sila ng awtopsiya sa anim na bangkay ng mga lalaki na mga nasawi dahil sa COVID-19 at tatlo sa ibang dahilan.

Nang ikumpara sa ‘testes tissue’, tatlo sa mga nasa-wi dahil sa COVID-19 ay may nasirang ‘testes tissue’ na maaaring makaapekto umano sa pagprodyus ng ‘sperm’.

Isang pag-aaral ng mga Chinese experts din ang dumating sa naturang konklusyon na inaatake rin ng COVID-19 ang immune system sa testicle na nagdudulot ng matinding kirot.

Isa pang pagsusuri sa labi ng 12 lalaki sa China na nasawi sa COVID-19 ang nagresulta sa pagkasira ng ‘cellular tissue’ sa testicles.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with