^

Bansa

12 solons sa DPWH kickback, pangalanan!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinamon ng ilang kongresista at think-tank group si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na pangalanan ang 12 kongresista na umano’y tumatanggap ng kickbacks sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni AKO Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr. na nakakaladkad ang buong institusyon ng Kamara kaya dapat tukuyin ni Belgica ang sinasabi nitong hindi bababa sa 12 mambabatas ang sangkot sa mil­yun-milyong kickbacks sa mga proyekto ng ahensya.

Binigyang diin pa ng solon na ‘unfair’ sa mayorya ng mga Kongresista kung puro hinala na lang at walang maipakitang pruweba.

Sinabi naman ni Infrawatch PH Convenor Terry Ridon na huwag ng magkubli si Belgica sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala itong hurisdiksyon na isapubliko ang PACC report na nagdedetalye sa talamak na korapsyon sa DPWH na kinasasangkutan ng mga tiwaling solons.

Binigyang diin ni Ridon na sa oras na matanggap ng Office of the Ombudsman ang PACC report mula sa Malacañang ay may obligasyon na itong isapubliko ang mga pangalan kaya walang dahilan para ipitin o itago pa ito ni Belgica.

Sa pagbubunyag ni Belgica, sa 12 Kongresista may ilan na P10-M ang kickback sa government funded na DPWH project, may isa na humihingi ng hanggang P100-M habang ang iba ay 5%-15% ang cut sa infrastructure budget sa kanilang distrito.

Samantala, sa gitna na rin ng alegasyon ng korapsyon na ipinupukol sa mga Kongresista ay walang reaksyon dito ang tanggapan ni Speaker Lord Allan Velasco.
Sa ilalim ng House Rules ay maaaring magsagawa ng imbestigasyon motu propio ang House Ethics Committee laban sa mga Kongresista na idinadawit sa korapsyon subali’t aminado si 1stIloilo Rep. Janette Garin na “waste of time” lang ito.

vuukle comment

DPWH

PACC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with