Bagong sama ng panahon 'palapit sa Isabela-Cagayan area' — PAGASA
Satellite imaga ng panibagong low pressure area na namataan 265 kilometro silangan ng Infanta, Quezon, 3 p.m. ng Huwebes
Video grab mula sa Facebook page ng PAGASA

Bagong sama ng panahon 'palapit sa Isabela-Cagayan area' — PAGASA

(Philstar.com) - November 26, 2020 - 6:11pm

MANILA, Philippines — Bagama't bumabangon pa lang sa hagupit ng Typhoon Ulysses, isa na namang sama ng panahon ang nagababanta sa ilang bahagi ng Luzon, bagay na posibleng magdala ng mga pag-ulan.

Ngayong umaga lang nang tuluyang maging low pressure area (LPA) ang nasabing weather disturbance, na noo'y umiikot palang sa silangan ng hilagang kapuluuan.

"Ngayong 3 p.m. ng hapon, ito ay tinatayang nasa layong 265 kilometers silangan ng Infanta, Quezon," ulat ni Raymond Ordinario, weather specialist ng PAGASA, Huwebes.

"Ang nasabing low pressure area ay lalapit dito sa may Isabela-Cagayan area, at pwedeng hagipin nga ang ilang bahagi ng Aurora area."

Ang nasabing LPA ay maaaring magsanhi ng mga pag-ulan ngayong gabi hanggang bukas ng umaga.

Sa kabila nito, tinatayang malulusaw din ito anumang oras hanggang bukas dahil na rin sa paglamig ng hangin dulot ng Amihan.

Paglamig ng panahon

"Magkakaroon tayo ng malamig na madaling araw lalo na dito sa area ng silangang bahagi ng Hilaga at Gitnang Luzon," patuloy ni Ordinario sa kanyang weather forecast.

"Sa Cagayan Valley, Aurora kasama na ang Quezon area ay makararanas nga ng bahagyang malamig na madaling araw, at posible pa 'yang tumagos dito sa klanlurang bahagi ng Luzon area."

Wala naman nang ibang nakikitang ibang sama ng panahon na posibleng maging bagyo na papasok ng Philippine area of responsibility sa mga susunod na araw. "Typhoon-free tayo within the next three to five days," sambit pa ng PAGASA.

Samantala, binago naman binago naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang agricultural latest damage report na naitala kaugnay ng huling Typhoon Ulysses, na una gang napabalitang nasa P540 bilyon. Ngayong hapon, naging P4.7 bilyon na lang ito. — James Relativo

LOW PRESSURE AREA PAGASA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with