Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas lumobo sa 424,297
Sa larawang ito na kinunan noong ika-23 ng Nobyembre, 2020, makikita ang mga technician na nagproproseso ng COVID-19 tests sa isang laboratoryo sa Tianjin, China
AFP/STR/CNS

Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas lumobo sa 424,297

James Relativo (Philstar.com) - November 26, 2020 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Tuloy-tuloy pa rin ang pag-akyat ng bilang ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas habang nagpapatuloy ang community quarantine laban sa kinatatakutang pandemya.

Pumalo na kasi sa 424,297 ang kabuuang bilang ng infections sa Pilipinas, matapos tablan pa nito ang 1,392 iba pa, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Huwebes.

Sa kabila niiyan, nasa 10 laboratoryo pa ang hindi nakapagpasa ng kani-kanilang mga bagong datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) kahapon, ika-25 ng Nobyembre, 2020.

Samantala, dito natagpuan ang karamihan sa mga bagong COVID-19 cases na inilabas ng kagarawan ngayong araw:

  • Caloocan City (77)
  • Cavite (73)
  • Laguna (73)
  • Davao City (62)
  • Quezon (60)

Nananatili namang nasa 28,789 ang bilang ng domestic active cases, bagay na nakuha matapos iawas ang mga gumaling at namatay na mula sa naturang sakit.

"Samantala ay mayroon namang naitalang [dagdag na] 328 na gumaling at 27 [pang] pumanaw," dagdag ng Kagawaran ng Kalusugan.

Kung susumahin, 387,266 na ang nagre-recover mula sa pathogen habang 8,242 naman ang hindi pinalad at pumanaw.

Kumokonti o dumarami?

Kahit na muling umaakyat ang bilang ng COVID-19 infections sa Pilipinas kumpara nitong mga nakaraang araw, naninindigan nman ang DOH na pababa na ito sa kabuuan.

"Base po sa aming datos sa ngayon, cases are decreasing generally for the country, especially dito po sa National Capital Region," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa panayam ng GMA News kanina.

"Although we are seeing some increases in various areas of the country that we are trying to monitor right now, pero sa kabuuan po hindi pa po kami nakakakita ng pagtaas sa ngayon sa ating trend."

Sa kabila nito, kinumpirma naman ni Vergeire na mas makikita ang epekto ng mga nagdaang bagyo pagdating sa mga bagong kaso pagsapit ng unang linggo ng Disyembre. 

Meron daw kasing "incubation period" ang virus, kasabay na rin ng pagkakalagay ng marami sa siksikang mga evacuation centers.

Sa huling ulat ng World Health Organization (WHO), umabot na sa halos 59.5 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong daigdig. Sa bilang na 'yan, 1.4 milyon na ang patay.

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with