Lugar na may higit 3,000 active cases ng COVID-19 'prayoridad' sa bakuna
Sa undated file photo na ito, ipinakita noong ika-23 ng Nobyembre, 2020 ang lalagyan ng COVID-19 candidate vaccine ng University of Oxford at Vaccitech na kinikilala sa tawag na "AZD1222," bagay na nabuo sa pakikipagtulungan ng pharmaceutical giant na AstraZeneca
AFP/John Cairns/University of Oxford

Lugar na may higit 3,000 active cases ng COVID-19 'prayoridad' sa bakuna

James Relativo (Philstar.com) - November 26, 2020 - 1:43pm

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ituturing bilang prayoridad sa bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) ang mga lugar na may libu-libong aktibong kaso, bagay na inaasahang gugulong sa 2021.

"Lahat po ng mga tumaas nang mahigit 4,000 o 3,000 ang kanilang active cases, uunahin po natin 'yan. Kasama po ang Bacolod, Iloilo, Cebu, at Tacloban City," ani Galvez sa panayam ng dzBB, Huwebes.

Umaapela kasi ngayon ang Iloilo City na maisama sa priority list na kanyang unang nabanggit kahapon.

Dagdag pa ang mga naturang lugar sa dati nang natukoy na areas gaya ng National Capital Region, Calabarzon, Central Luzon, Cebu, Davao at Cagayan de Oro.

Tumutukoy ang active cases sa mga kaso ng COVID-19 na hindi pa gumagaling o namamatay sa naturang karamdaman.

Ayon pa kay Galvez, na chief implementer din ng National Task Force Against COVID-19, tututukan din ang mga lungsod lalo na't "economic centers" sila na maraming COVID-19 cases.

Ibibigay nang "libre" ang bakuna sa mga priority recipients, na kakatawan sa 35 milyong Pilipino.

Una nang sinabi ng opisyal na plano ng gobyernong mabakunahan ang nasa 60-70 milyong katao sa loob lamang ng tatlo hanggang limang taon.

Basahin: Government eyes millions vaccinated for COVID-19 in 3-5 years

Halos nasa 60-70% 'yan ng populasyon ng Pilipinas, na pumapalo ngayon sa mahigit-kumuilang 107 milyon.

"We will do this in a 3 to 5-year period because we can only vaccinate around 20 to 30 million a year," paliwanag ni Galvez.

'Priority sectors'

Pagkatapos aniya mabakunahan ang mga nasabing lugar na primaryang apektado ng COVID-19, doon pa lang daw nila tutugunan ang mga nasa priority sectors.

"Ang pinakauna nga is healthcare workers at saka yung mga frontliners. Kasama po sa mga frontliner na ito ay mga police at sundalo, at saka ‘yung ating mga serviceman," dagdag pa ni Galvez.

"Kasama rin po dito ang mga essential workers ng [Department of Social Welfare and Development], [Department of Education], at government agencies, at ‘yung sinasabi nating vulnerable, poor communities."

May kaugnayan: Frontliners, security forces get vaccine priority

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi ibibigay ang COVID-19 vaccines sa mga buntis sa dahilang baka makaapekto ito sa kanilang pregnancy.

"Batay sa ulat ni [Finance] Secretary [Carlos] Dominguez kay Pangulong [Rodrigo Duterte], kinakailangan dito mga P73.2 bilyon for vaccinating 60 million people. That is the population that will be covered," ani Duque kahapon.

CARLITO GALVEZ JR. DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with