12 Solons sabit sa DPWH corruption - PACC
Ani Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica, sa laki ng komisyon ng mga kongresista sa mga proyekto bukod pa sa porsiyento din ng mga tiwaling DPWH officials, mga contractor at district engineers ay halos 50% na lang ang napupunta sa project cost na siyang dahilan kung bakit maraming substandard na mga proyekto.
The STAR/Alexis Romero, file

12 Solons sabit sa DPWH corruption - PACC

Danilo Garcia, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na tumanggap umano ang 12 congressmen ng hanggang 15% “kickback” sa mga infra projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ani Belgica, sa laki ng komisyon ng mga kongresista sa mga proyekto bukod pa sa porsiyento din ng mga tiwaling DPWH officials, mga contractor at district engineers ay halos 50% na lang ang napupunta sa project cost na siyang dahilan kung bakit maraming substandard na mga proyekto.

Isa sa mga kongresista ay kumubra umano ng P10M sa project contractor na nag-report sa tanggapan nito habang ang isa ay P100M ang hinihingi sa isang malaking proyekto na hindi umano papapasukin sa kanilang distrito kung hindi maghahatag ng komisyon.

Bagama’t inamin ni Belgica na hindi pa tapos ang kanilang imbestigasyon, sinabi niya na nakakalap na sila ng mga ebidensya laban sa mga mambabatas na hindi muna nila pinangalanan.

Sinabi ni Belgica na sa kanilang nauna nang isinumiteng report kay Pangulong Duterte ay kanilang tinukoy ang mga corrupt congressman at ito pa rin ang kanilang gagawin.

Aniya, makikipagtulungan din ang PACC sa Office of the Ombudsman kung kinakailangan para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga corrupt na mambabatas.

Sa expose ni Sen. Panfilo Lacson, nasa P650M-P15B ang infrastructure funds na matatanggap ng bawat kongresista sa 2021 national budget.

Aniya, maraming contractor ang umiiyak dahil sa pambabraso umano ng mga congressman na makuha ang kanilang kickbacks, bagamat hindi nito nilalahat ay marami umanong congressman ay ang kita lang sa mga infra projects ang inaatupag.

Una nang ibinunyag ni Lacson na kanilang napuna ang malaking isiningit sa infrastructure budget ng Kamara nang maupo si House Speaker Lord Allan Velasco kung saan inihalimbawa nito ang isang distrito na mula sa P9 billion na orihinal na budget pero nang magpalit ng liderato ang Kamara ay naging P15 B habang ang isa naman ay P4 billion ay nadoble bigla.

Tiniyak ni Belgica, babantayan nila ang paggamit sa infrastructure funds ng mga mambabatas na nasa 2021 national budget, pangunahin na ang lumobong budget ng Davao na nasa P15.351-B; Albay na P7.5-B, Benguet na P7.9-B at Abra, P3.75-B.

DPWH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with