P1.2 milyong gastos ng DepEd sa nasirang modules

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa P1.2 bilyon ang gagastusin ng Department of Education (Dep­Ed) para mapalitan ang lahat ng learning modules na sinira ng mga pagbaha at mga bagyo na nanalasa sa bansa kamakailan.

Ang mga modules ay mga printed learning materials na ipinagkakaloob sa mga estudyante upang mapag-aralan at masagutan nila habang wala pang face-to-face classes sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Gayunman, marami sa mga ito ang nasira nang magkaroon ng sunud-sunod na bagyo at mga pagbaha.

Nilinaw naman ni Dep­Ed Secretary Leonor Briones, na hindi nila pagbabayarin ang mga guro at mga mag-aaral sa mga nasirang modules.

Ikinokonsidera na rin nilang bawasan ang paggamit ng printed modules dahil bukod sa mahal na ito, ay hindi rin aniya environment-friendly.

Sa ngayon aniya ay nag­hahanap na sila ng ibang paraan nang pag-share ng learning process sa mga bata nang hindi masyadong gagamit ng printed mo-dules.

DEPED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with