Presyo ng COVID-19 test itinakda ng DOH

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang iwas-abuso, nagtakda na ang Department of Health (DOH) ng ‘price cap’ sa COVID-19 RT-PCR swab test na ibinibigay ng mga pribadong paga-mutan at mga laboratoryo.

Itinakda sa halagang P3,800 sa pampublikong laboratoryo at P4,500-P5,000 sa private laboratories ang presyo ng RT-PCR (real-time reverse transcription polymerase chain reaction) tests na siyang ‘gold standard’ umano sa COVID-19 testing.

Nagbabala naman si DOH Secretary Francisco Duque III na haharap sa 15 araw na suspension at P20,000 multa sa unang paglabag, 30 araw suspension at P30,000 multa sa second offense habang tuluyang pagkansela ang aabutin sa ikatlong paglabag.

Ang paglalagay ng price cap sa RT-PCR tests ay makaraan ang napakaraming reklamo sa mga pribadong pagamutan at laboratoryo na sumisingil ng mas malaki kumpara sa presyo na ibinibigay ng pamahalaan.

May ilan pa umano na sumisingil ng hanggang P10,000 kada isang swab test. 

RT-PCR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with