^

Bansa

Duque, Rep. Garin kinasuhan ng 102 kaanak ng mga batang namatay sa Dengvaxia

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Duque, Rep. Garin kinasuhan ng 102 kaanak ng mga batang namatay sa Dengvaxia
Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, bukod kay Iloilo Rep. Janette Garin at Health Secretary Francisco Duque kasama sa mga kinasuhan ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur Inc., manufacturer ng Dengvaxia, Zuellig Pharma, Research Institute for Tropical Medicine at Food and Drug Administration.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kaso sa QC Prosecutor’s Office ng may 102  kaanak ng mga batang namatay sa  Dengvaxia vaccine sina Health Secretary Francisco Duque, da-ting Health Secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin at iba pa kaugnay ng kontrobersiyal na isyu.

Ang mga complainant ay sinamahan ng abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) sa pagpunta sa QC court.

Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, bukod kay Garin at Duque kasama sa mga kinasuhan ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur Inc., manufacturer ng Dengvaxia, Zuellig Pharma, Research Institute for Tropical Medicine at Food and Drug Administration.

Ang mga complainant ay kaanak ng may 101 bata na namatay sa bakuna at isang survivor na naba-kunahan ng dengvaxia. Anya ang mga biktima ay nabakunahan ng Dengva-xia kahit walang consent at blood test.

Itinakda naman ng QC  Regional Trial Court Branch 107 ang arraignment at pre-trial ni Garin at iba pang respondents sa kaso sa Nov. 27 ng alas-2 ng hapon.

Ito ay makaraang magpalabas ng omnibus order si Presiding Judge Jose Bautista Jr. noong  Nov. 18 na ituloy ang kasong reckless imprudence resulting homicide sa mga akusado matapos maka-kita ng probable cause hinggil dito.

Inatasan na ni Bautista ang mga respondents na magsumite ng kanilang pre-trial briefs tatlong araw bago ang pagbasa ng sakdal laban sa mga ito sa Biyernes.

vuukle comment

PAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with