Pagtaas ng COVID-19 case pagkatapos ng kapaskuhan pinangangambahan
Sa meeting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City, iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III ang ginagawang paghahanda kahit pa bumababa ang naiuulat na bilang na tinatamaan ng coronavirus.
The STAR/Michael Varcas

Pagtaas ng COVID-19 case pagkatapos ng kapaskuhan pinangangambahan

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumubuo na ng contingency plan ang Department of Health sa posibleng pagtaas ng bilang ng may COVID-19 pagkatapos ng holiday season.

Sa meeting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City, iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III ang ginagawang paghahanda kahit pa bumababa ang naiuulat na bilang na tinatamaan ng coronavirus.

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Duque ang publiko na huwag maging pabaya at patuloy pa ring mag-ingat upang hindi mahawa ng virus.

“Nais ko pong paalalahanan ang lahat na habang ang bilang ng kaso ay patuloy na pababa, hindi ito dapat na maging dahilan upang tayo ay maging mas maluwag or complacent,” ani Duque.

Mahalaga aniyang sundin pa rin ang tinatawag na minimum health standards gaya nang pagsusuot ng face mask, face shields at panatilihin ang physical distancing.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with