Bong Go sa DSWD: Pamimigay ng pondong ayuda, bilis-bilisan

(Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go ang inihaing resolusyon sa Senado ng kapwa niya mam-babatas na si Sen. Juan Miguel Zubiri na nag-aatas sa Department of Social Welfare and Development na pabilisin ang paglalabas ng pondo para sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic, gayundin ng pananalasa ng mga nakalipas na kalamidad.

“Sunud-sunod po na bagyo ang tumama sa ating bansa sa gitna ng ating laban sa COVID-19, kaya kailangan po nating mas pabilisin ang pagbibigay ng pondo para sa ating mga kababayan na apektado ng mga bagyo at ng COVID-19,” sabi ni Go sa kanyang manipestasyon sa Senate plenary.

Sinabi ng senador na mismong siya ay nasaksihan ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga naging biktima ng pagbagyo at ang kanilang paghihirap na makabangon sa mga nakaraang kalamidad.

“Ako mismo ay nagpunta sa Catanduanes, Marikina, Bulacan, at Rizal province kamakailan lamang para magbigay ng tulong sa panahon ng kanilang pagdadalamhati,” ani Go.

“Sa katunayan ay pa­tuloy pa rin po ang pagbibigay natin ng tulong sa mga lugar na nasalanta  ng bagyo,” dagdag niya.

Kinikilala ni Go ang pagsisikap ng DSWD na mapagsilbihan ang mga Filipino, gayunman, ay hiniling niya na masusing obserbahan o pakatutukan ang mabilis na pamamahagi ng pondo o ayuda sa mga kababayan nating nahaharap sa mga pagsubok.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with