P2 bilyong pondo sa Development of Water Resources aprub

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa gitna na rin ng nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapabuti ang serbisyo ng tubig sa bansa, pansamantalang inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang paglalaan ng P2 bilyong pondo sa panukalang paglikha ng Department of Water Resources (DWR) sa ilalim ng National Water Act bill na kasalukuyang tinata-lakay ng Kamara.

Sinabi ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda, Senior Vice Chairman ng House Committee on Appropriations, ang National Water Act Bill ay tutugon sa malawakang kahilingan ng publiko para sa higit na maayos at mabisang serbisyo sa supply ng tubig.

Ayon sa ekonomistang mambabatas, layunin ng panukala na pagsama-samahin, isaayos ang hindi magkakatugmang mga panuntunan at sistema sa pamamahala sa tubig ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Magiging panguna-hing ahensiya ang DWR sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga wasto at makabuluhang mga sistema at programa sa tubig at paggamit nito, kasama na ang pag-aari, paggamit at proteksiyon sa mga tubigan sa bansa.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with