'Face-to-face learning hub' ng OVP, private sector hindi raw aprubado ng DepEd
Kuha ni Bise Presidente Leni Robredo (kanan) kasama ang ilang bata sa pagbubukas ng "Community Learning Hub" sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, ika-23 ng Nobyembre, 2020
Released/Leni Robredo

'Face-to-face learning hub' ng OVP, private sector hindi raw aprubado ng DepEd

(Philstar.com) - November 24, 2020 - 5:14pm

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Department of Education (DepEd) na meron silang "joint project" kasama ang Office of the Vice President sa pagkakaroon ng face-to-face na mga pag-aaral sa gitna ng banta ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ito ay patungkol sa binuksang Community Learning Hub nina Robredo, ilang local government units (LGUs) at JCI Manila sa Pasig, Taytay, atbp. ngayong Lunes na magtu-tutor at tututok sa pag-aaral ng mga batang hirap sa distance learning.

Ayon kay Robredo sa ulat ng The STAR noong Huwebes, anim na bata ang papayagan sabay-sabay sa loob ng tutorial center sa Pasig habang tinitiyak ang physical distancing. Buwan ng Agosto raw ito unang inilapit sa DepEd.

"Ang polisiya namin, dahil sinusunod namin ang polisiya ng Presidente [Rodrigo Duterte], hindi natin 'yan ina-allow kasi wala naman sa authority ng DepEd na ire-reverse natin ang sinasabi ng presidente," ayon kay Education Secretary Leonor Briones, Martes.

Kasalukuyang nagsasagawa ng blended learning, o pag-aaral sa pamamagitan ng online classes, modules, telebisyon at radyo ang mga paaralan para hindi lalo kumalat ang nakamamatay na virus.

Sa kabila nito, aminado si Briones noong Hulyo na nagpapatupad na ng physical classes ang ilang eskwelahan sa Siquijor at isang paaralan ng De La Salle system noong Hunyo, bagay na "gumagana" raw.

Basahin: DepEd : No face-to-face classes until COVID-19 vaccine is available

"Sa Pasig, nag-coordinate sila directly with the LGU in Pasig, pero one-on-one dahil hindi naman in-approve ng ating division superintendent 'yon," patuloy ni Briones sa briefing kasama si presidential spokesperson Harry Roque.

"Sa Taytay, Rizal naman, nakipag-ugnayan sila sa baranggay pero hindi involved ang [DepEd]. Kasi on-record, walang ganoong klaseng kasunduan, walang ganoong klaseng approval at nananatili ang policy ng ating presidente na walang face-to-face sessions ang mga bata... samantalang ngayon ay wala pa tayong vaccine."

Bagama't dumistansya si Briones sa proyektong ito ni Robredo, kahapon lang ng iulat ng GMA News ang pagpuri ni DepEd Pasig chief education supervisor Dr. Victor Javeña sa learning hub."Nakita naman natin na yung programa maganda kasi yung mga magulang na hindi kayang magturo sa kanilang anak ay nandoon,"  ayon kay Javeña."May mga tutors tayo na nagtuturo o naga-guide ‘yung mga bata.

Hindi naman daw ito natuloy sa Lungsod ng Caloocan dahil hindi rin daw ito naaprubahan ng ng parehong LGU at division superintendent.

Una nang ipinagtanggol ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagkakaroon ng naturang Community Learning sa kanilang lungsod.

"Marami tayong mag-aaral na di matututukan sa bahay dahil hindi kaya ng magulang. Makakatulong itong Community Learning Hub sa Caliwag," sabi niya Huwebes noong nakaraang linggo.

"May trained tutors na titingnan kung saang lesson nahihirapan ang bata."

Face-to-face classes 'hindi pa ngayong taon'

Sa kabila nang lahat ng ito, pinag-aaralan na nina Briones kung paanong tuluyang maibabalik ang harapang pagtuturo lalo na't meron nang iginugulong ang development ng COVID-19 vaccine na yari sa ibang bansa.

"Definitely not this year and until the president makes the announcement. But we are preparing a report on the current experience," patuloy ni Briones.

"Klaro naman na kung magkaroon ng face-to-face it will be very limited in areas which are absolutely safe."

May kaugnayan: Limited face-to-face learning aprub kay Duterte sa 'low risk' areas

Sa huling ulat ng Department of Health (DOH) kahapon, umabot na sa 420,614 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 8,173 na ang namamatay. — James Relativo at may mga ulat mula kay Christian Deiparine at News5 

DEPARTMENT OF EDUCATION LENI ROBREDO LEONOR BRIONES NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with