Bakuna hindi mandatory
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Ro­que, sinabi ng Department of Health (DOH) na kaila-ngang mabakunahan ang 50 porsiyento ng populasyon upang magkaroon ng herd immunity. Kaya hindi na muna pipilitin ang mga ayaw magpabakuna.
AFP/Siphiwe Sibeko/Pool

Bakuna hindi mandatory

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pipilitin ng gob-yerno ang mga mamamayan na ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 kapag dumating na ito sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Ro­que, sinabi ng Department of Health (DOH) na kaila-ngang mabakunahan ang 50 porsiyento ng populasyon upang magkaroon ng herd immunity. Kaya hindi na muna pipilitin ang mga ayaw magpabakuna.

Ipinunto pa ni Roque na sang-ayon naman sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS), 66% ng mga mamamayan ay payag mabigyan ng bakuna.
Muling tiniyak ni Roque na gagastusan ng gobyerno ang pagbili ng bakuna kung saan uunahing mabigyan ang mga mahihirap, frontliners, mga sundalo at mga pulis.

“Kung mayroon hong ibang mga tao na naka­pagbakuna na, hindi po iyan galing sa gobyerno. Ang assu-rance ng Presidente, basta binili po ng ating gobyerno, uunahin ang pinakamahihirap,” ani Roque.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with