^

Infra budget ng House solons lumobo

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lumobo umano ang infrastructure budget ng mga kongresista nang magpalit ng lider ang Kamara, ayon kay Sen. Panfilo Lacson.

Sinabi ni Lacson na naging kapansin-pansin na binago ang House version ng General Appropriations Bill (GAB) halimbawa anya ang isang distrito na P9 Billion ang inisyal na budget nang si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang House Speaker ngunit nang magbitiw ito at palitan ni Lord Allan Velasco, ang nasabing distrito na hindi nito tinukoy ay biglang naging P15 billion na ang infrastructure budget.

‘Pagpalit ng liderato, napansin namin, halimbawa sa NEP (National Expenditure Program), yung isang distrito nasa mga P9 bilyon. Siguro medyo matibay yung distrito na yun, paglabas ng GAB, under the new leadership, uma­bot pa siya ng P15 billion. Merong distrito din na nasa P4 or P5 billion, paglabas ng GAB, nadagdagan pa ulit ng another P4 or P5 billion, naging halos P8 billion na. So nakakagulat talaga,” pahayag ni Lacson.

Kinumpirma ni Lacson na ang mga malalapit kay Velasco ang dinagdagan ng pondo.

“Nung nagpalit ng lide­rato, nagpalit ang ihip ng hangin. Yung iba, from NEP, nabawasan siya pag­dating sa GAB kasi under the new leadership. So yung malapit sa kusina, yun ang nadagdagan, at yung mga outside the kulambo, yun ang nabawasan,” ani Lacson.

Idinagdag pa ng senador na sa pagbabalangkas pa lang ng NEP ay mayroon nang gapangan ang mga kongresista para sa kanilang mga distrito, ani Lacson, dito nagkakaroon ng problema dahil ang mga nilobby na infrastructure projects ay nagreresulta sa poor planning.

“Yung pag-implementa, hindi maayos kasi hindi nasusunod yung dapat na pagpaplano ng DPWH kasi pinapakialaman ng legis-lators. Walang pork pero sa implementasyon, hindi rin nawawala ang commission,” paliwanag ni Lacson.

PANFILO LACSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with