Budget sa Davao City idinepensa ni Esperon
Ganito ipinagtanggol ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang alokasyon ng pondo para sa 83 barangay sa Davao City sa ilalim ng Barangay Development Program.
Geremy Pintolo, file
Budget sa Davao City idinepensa ni Esperon
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang P1.58 bilyong alokasyon para sa piling barangay sa Davao City ay magdudulot ng ka­ginhawahan hindi lamang sa siyudad kung hindi sa buong Davao Region at Mindanao.

Ganito ipinagtanggol ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang alokasyon ng pondo para sa 83 barangay sa Davao City sa ilalim ng Barangay Development Program (BDP).

Ayon sa datos ng Armed Forces of the Philippines, ang Davao City ay napaliligiran ng mga probinsiya kung saan laganap ang pwersa ng New People’s Army (NPA) na posibleng ang mga tao ay maengganyong sumali sa rebeldeng grupo.

Bilang tugon sa tanong ng Makabayan bloc, kung bakit malaki ang pondo ng Davao City, sinabi ni Esperon na kailangang bigyan ng mabuti at maayos na buhay ang mga tao dito upang hindi sila umanib sa kilusan.

“Should Davao City succumb to the New People’s Army (NPA), so goes the rest of Mindanao. This development program will uplift the plight o the people affected by arm conflicts in the identified barangays nationwide. These fund will bring projects which will help them bring their lives to normalcy,” ani Esperon, vice chairman ng NTF-ELCAC.

Mariing sinabi rin ni Esperon na ang pagpili ng mga barangay na isasailalim sa BDP ay mabusisi at base sa rekomendasyon ng lokal na pamahalaan at mga ahensiya.

BUDGET HERMOGENES ESPERON JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with