Pinoy makikinabang sa Biden presidency
Idiniin ni Huang ang pragmatikong posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa patakarang panlabas ng Pilipinas para mabawasan ang tension sa China, mga kalapit nitong bansa at sa US.
AFP/Scott Eisen/Getty Images
Pinoy makikinabang sa Biden presidency
(Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang indikasyon ng panibagong pag-asa para sa Pilipinas ang pagkakahalal ni Joe Biden bilang bagong presidente ng Uni­ted States makaraang ta­lunin niya si Donald Trump sa katatapos na halalang pampanguluhan sa US.

Ito ang ipinahiwatig ng global analyst at dating World Bank Director na si Yukon Huang sa isang webinarhttps://youtu.bebe/JMAfSqsov4A kasama ng isang panel ng mga local experts buhat sa industry at development sector ng Pilipinas. Sinabi rin niya na nanaiisin ni Biden na bumuo ng mas mala­king al­yansa sa mga mi­yembro ng Association of Southeast Asian Nations na kinabibilangan ng Pilipinas dahil sa istratehikong kahalagahan nito.

Idiniin ni Huang ang pragmatikong posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa patakarang panlabas ng Pilipinas para mabawasan ang tension sa China, mga kalapit nitong bansa at sa US.

Pinuna naman ni Dio­celdo Sy, founder ng Ever Bilena Cosme­tics and Blackwater, na 40% ownership lang ang ipina­pahintulot sa mga dayuhang negosyante sa Pilipinas kasama na ang kawalan ng transparency para sa local business relations na nagpapabawas ng insentibo para sa mga dayuhang mamumuhunan.

Idinagdag naman ni Anna Mae Lamentillo, chairperson ng Build, Build, Build Committee ng Department of Public Work and Highways na nakaambag ng malaki ang China, Japan, South Korea at France sa Build, Build, Build program ng Pilipinas.

Binatikos din ng mga analyst ang kumakalat na pekeng balita hinggil sa China’s debt trap na su­misingil ng 10-20%. Nagmula anila ang balita sa isang artikulo ni U.S. military funded analyst Anders Corr sa Forbes Magazine na nagpahayag ng naturang paratang nang walang pruweba. Sa katotohanan, ang talagang interest ay 2%-4% na mas mababa kaysa sa ibang maraming bansa at sa Western development banks.

JOE BIDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with