Travel ban sa health workers inalis na ni Duterte
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinanggal na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang deployment ban sa healthcare workers.

Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na ang lifting sa ban ay ‘effective immediately’ kaya’t maari nang makaalis at magtrabaho sa ibang bansa ang libu-libong nurses at medical wor­kers sa Pilipinas.

“The President already approved the lif­ting of the temporary suspension of deployment of nurses and other medical workers,” ayon kay Bello.

Sinabi ng Kalihim na ang pagkalat ng COVID-19 ay bumabagal na sa bansa at ang kondis­yon ay bumubuti kaya’t makakaya na ng pamahalaan na hayaan ang mga healthcare workers na mangibang-bansa at magtrabaho.

Gayunman, nili­naw ni Bello na 5,000 health workers lang ang pinapayagang ma-deploy sa ibang bansa kada taon upang matiyak na ang Pilipinas ay may sapat pang medical professionals lalo na ngayong ang bansa ay pangalawa sa may pinakamataas na bilang COVID-19 cases sa Southeast Asia.

“To ensure the Phi­lippines has enough medical professionals to continue to fight the pandemic at home, only 5,000 healthcare wor­kers will be allowed to leave every year,” ayon kay Bello.

Sa nakaraang desis­yon, pinayagan lamang ni Duterte ang health professionals na may kumpleto nang employment documents at visa hanggang Agosto 31, 2020 na makaalis ng bansa.

Ang Pilipinas ay mayroong second-highest number ng kaso ng COVID-19 at bilang ng mga namatay sa Southeast Asia, subalit ang daily case numbers at death rates ay bumaba.

Nitong Abril ay nagdesisyon naman ang pamahalaan na pagbawalan ang mga nurses, doktor at iba pang medical workers na mangibang-bansa sa katuwirang kaila­ngan ang mga ito para makatulong na labanan ang coronavirus crisis.

Libong health wor­kers na tinawag ang kanilang mga sarili na “priso-nurses”, ang umapela sa gobyerno na payagan silang makapag-trabaho sa ibang bansa. —Malou Escudero

TRAVEL BAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with