Sen. ‘Bato’ nagpositibo sa COVID-19
MANILA, Philippines — Nagpositibo sa COVID-19 si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
“I’m sorry to inform you that I tested positive for COVID-19 yesterday. To all who made contact with me, please do the appropriate protocols,” ani Dela Rosa sa kanyang post sa FB kung saan hinikayat niya ang mga nakasalamuha na gawin ang kinakailangan.
Bukod kay Dela Rosa, apat na kasama niya sa bahay ang nag positibo rin sa virus kabilang ang kanyang anak na babae.
“May ubo lang ako. Four kami nagpositive. Me, my eldest daughter, driver and househelp,” ani Dela Rosa.
Matatandaan na bukod kay Dela Rosa, unang tinamaan ng COVID-19 sina Senators Sonny Angara, Koko Pimentel, Juan Miguel Zubiri, at Bong Revilla.
Pinayuhan naman ni Sen. Richard Gordon ang mga nakasalamuha ni Dela Rosa na mag-quarantine sa loob ng limang araw na itinuturing na incubation period.
“If one of us got exposed to one of our colleagues, the incubation period is five days. So, we have to stay put [during] the five days and if we get the symptoms we immediately do something about it,” ani Gordon.
- Latest