Toll rate hike sa NLEX, inaprubahan ng TRB
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll rate hike sa North Luzon Expressway (NLEX) sa susunod na linggo.

Ito, ayon sa NLEX Corp., ay matapos makumpleto na at tuluyang mabuksan ang 2.6-kilometer Harbor Link project ng toll road noong Hunyo.

Nabatid na ang P7-bilyong NLEX Harbor Link project ay isang elevated section ng tollway sa pagitan ng bagong Caloocan Interchange sa C3 Road/5th Avenue at ng bagong Navotas Interchange sa R-10/Mel Lopez Boulevard.

Sa pahayag ng NLEX Corp., inaprubahan ng TRB ang P4.00 toll rate adjustment sa open system at P0.06 per kilometer naman sa closed system.

Ang toll rate hike ay magiging epektibo pagsapit ng alas- 12:01 ng madaling araw ng Nobyembre 25, 2020.

“Under the new toll fee matrix, motorists traveling anywhere within the open system will pay an additional P4.00 for Class 1 vehicles (regular cars and SUVs), Class 2 vehicles (buses and small trucks) will pay an additional P10.00, and Class 3 vehicles will pay an additional P1.00,” anang NLEx Corp.

Para naman sa end-to-end travel, ang mga sasakyang bumibiyahe mula sa Metro Manila patungong Mabalacat City, Pampanga ay may karagdagang toll na P9.00, P20.00, at P25.00 per class.

Simula nang mabuksan sa mga commuters ang Harbor Link noong Hunyo 15, nakatulong ang bagong elevated expressway para mabawasan ang lumalalang kondisyon ng trapiko.

Nabigyan din ng alternatibong ruta ang mga commuters at truckers, na kasalukuyang apektado sa traffic choke points sa EDSA, A. Bonifacio at Rizal Ave. sa Maynila.

 

NLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with