Crackdown sa illegal logging, mining inutos ng DILG
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinag-utos na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduar­do Año ang crackdown sa illegal logging at mi­ning sa iba pang panig ng bansa na nakaranas ng malawakang mga pagbaha.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, inatasan na ni Año si PNP chief Gen. Debold Sinas na tugisin ang lahat ng uri ng illegal logging at mga illegal mining sa bansa at papanagutin sa batas.

“Si Secretary Año po ay nagbigay ng kautusan kay General Debold Sinas, ang pinuno ng Phi­lippine National Police na mag-crackdown sa lahat ng uri ng illegal logging at mga illegal mining sa mga lugar na nasalanta ng bagyo partikular sa Cagayan, Isabela kahit na po sa Kabikulan,” ayon kay  Malaya, sa Laging Handa press briefing.

“In addition doon sa war on drugs, war on criminality kasama sa priorities ng ating PNP ay ang war on illegal logging,” dagdag pa ng opisyal.

Kaugnay nito, plano rin aniya ng DILG na mag­lunsad ng nationwide tree-planting program sa susunod na taon.

“’Yung pagpapalakas sa national tree planting natin ang goal po nito ay makapagtanim ng 200 million trees at ang target po ni Año na masimulan ito next year,” dagdag pa ni Malaya.

 

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with