Investment plan palakasin para sa ekonomiya
(Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na ipra­yoridad ang masusing pagpaplano sa pamumuhunan sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program (BP2) upang matiyak ang pagbangon ng ekonomiya sa mga lalawigan.

Ayon kay Go, ang ganitong pamamaraan ay makatutulong sa mga komunidad para makabangon sa naging epekto ng COVID-19 pandemic at makapagbigay ng oportunidad sa mga nais makapagsimula ng negosyo sa mga probinsiya.

Aniya, sa pamamagitan ng pagpapasok ng mga pamumuhunan sa labas ng Metro areas, marami ang magkakaroon ng trabaho at kabuhayan, na siyang layunin ng BP2 Program na nakatakdang ipatupad kapag natapos na ang krisis sa COVID-19.

Ipinaliwanag ni Go na dahil sa COVID-19 situation, dapat ikonsidera ng pamahalaan na magsimulang mamuhunan partikular sa produksiyon ng mga pangunahing kalakal o pagbibigay ng libreng serbisyo upang malabanan ang na­ging masamang epekto ng ekonomiya.

 

INVESTMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with