Lacson, Romualdez nagpa COVID-19 vaccine na
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri na naturukan na ng COVID-19 vaccine sina Sen. Panfilo Lacson at House Majority Leader Martin Romualdez.

Kapwa pinuri nina Sotto at Zubiri ang katapangan ni Lacson na nauna nang nagpabakuna.

Sa pagkakaalam ni Sotto, mula sa Pfizer ang ginamit nina Lacson at Romualdez.

Kinumpirma rin ni Sotto na mayroon ng bakuna bagaman at hindi pa ito available sa publiko.

“Meron na (bakuna) pero ’yung iba kasi, matatapang na...ang biruan nga namin ni Senator Lacson sabi niya, partner, pa-immunize ka na,” ani Sotto.

Nagbiro rin si Sotto na titingnan muna niya kung ano ang magiging epekto kay Lacson.

Pakiramdam umano ni Lacson ay naging 30 taong gulang siya matapos mabakunahan.

Ang pagpapa-bakuna ni Lacson ang dahilan umano kung bakit hindi na ito nagsusuot ng face mask.

“Oo, I feel like a 30-years old, sabi niya, tapos bihira na nga mag mask. Dati nakita mo ’yun naka mask, naka face shield, di ba? Ngayon ’pag nakaupo lang doon, wala ng mask,” ani Sotto.

Sa pagkakaalam naman ni Zubiri ay nasa clinical trial pa lamang ang bakuna.

Idinagdag ni Zubiri na hindi muna siya magpapabakuna at pauunahin ang mga mamamayan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with