Solons labu-labo na
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

Panibagong rigodon sa Kamara, nakaamba

MANILA, Philippines — Matapos ang natuldukang isyu ng Speakership row, nagsimula na umanong magkawatak-watak ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito’y matapos na hindi matupad ang nauna nang pangako ni Speaker Lord Allan Velasco na magiging ‘unifying leader’ nang kanyang tanggalin ang ilang Deputy Speakers habang nakaamba rin ang panibagong rigodon sa Chairmanship ng mga Committee sa Kamara.

Maugong din ang nilulutong mapalitan si House Majority Leader Martin Romualdez dahil bukod sa malapit ito kay dating House Speaker Alan Peter Cayetano ay puntirya rin 1-PACMAN Partylist Rep. at Deputy Speaker Mikee Romero ang isa rin sa makapangyarihang posisyon sa Kamara na hawak ng una.

Nabatid na bago pa man nabuo noon ang term sharing agreement sa pagitan nina Cayetano at Velasco ay si Romero na ang napipisil na maging House Majority Leader kung magiging Speaker ang pambato ng PDP-Laban.

Sa ilalim ng nabuong term sharing agreement ay napagkasunduan na tanging sina Cayetano at Velasco lamang ang magpapalit ng puwesto habang walang tatanggalin at hindi gagalawin ang mga Deputy Speakers at Chairman ng mga Committee. Ito rin ang tanging hiniling ni Cayetano sa pagbaba nito sa puwesto.

Sa naging pag-uusap din nina Cayetano at Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte ay nangako pa ang huli na walang magiging pagbabago sa mga opisyal ng Kamara.

Gayunman, nang maupo si Velasco ay sinimulan nitong tanggalin sa puwesto ang mambabatas na malapit kay Cayetano.

 

KONGRESO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with