66% Pinoys nais magpabakuna vs COVID-19
Lumabas din sa survey na mas nais ng mga Filipino ang bakuna kontra COVID-19 kaysa Dengvaxia.
AFP/Nicolas Asfouri
66% Pinoys nais magpabakuna vs COVID-19
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handa ang 66 por­syento ng mga Pinoy na magpabakuna laban sa COVID-19, batay sa survey ng Social Weather Station (SWS).?Sa survey na ginawa noong Setyembre 17-20, 31 porsiyento naman ang ayaw magpabakuna.

Lumabas din sa survey na mas nais ng mga Filipino ang bakuna kontra COVID-19 kaysa Dengvaxia.

Sa pag-aaral nitong 2019, 62% ng mga Filipino ang hindi sang-ayon sa pagbebenta ng Dengvaxia sa bansa.

Karamihan sa resulta ay mula sa Mindanao na may 73% na sinundan ng Visayas, 69%; Metro Manila, 64%, at Balance Luzon, 61 porsyento.

Mas mataas naman ang porsyento ng kalala­kihang nais mabakunahan kaysa kababaihan.

Sa mga sumagot sa survey, 70 porsyento na nais mabakunahan ay may edad na 25-34 habang 68% ang may edad na 18-24; 65 porsyento ay 45-55 taong gulang; at 61% ang 35-44 taong gulang.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with