COVID-19 vaccine darating sa Pinas bago 2nd quarter ng 2021
Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na inaasahan na magpapalabas na si Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order (EO) para mag-isyu ng ‘emergency use authorization (EUA)’ para sa mga bakuna makaraang hilingin ng FDA.
AFP/Andrew Caballero-Reynolds
COVID-19 vaccine darating sa Pinas bago 2nd quarter ng 2021
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinapabilis na ng Food and Drug Administration (FDA) ang proseso ng pagbili ng mga bakuna na maaa­ring dumating sa bansa bago ang pagpasok ng ikalawang quarter ng taong 2021.

Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na inaasahan na magpapalabas na si Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order (EO) para mag-isyu ng ‘emergency use authorization (EUA)’ para sa mga bakuna makaraang hilingin ng FDA.

Sa pamamagitan ng EUA, mapapaigsi ang proseso ng ebalwasyon ng bakuna at magbibi­gay-daan para kilalanin ng FDA ang ‘approval’ ng mga kahalintulad nilang ‘regulatory bodies’ ng ibang bansa katulad ng United States FDA.  

Una nang sinabi ng pamahalaan na maaa­ring sa ikalawang quarter pa ng 2021 makakuha ng bakuna ang Pilipinas buhat sa mga debeloper.

“Once makakuha sila (vaccine developers) ng EUA for example sa US FDA, mas mapapabilis talaga ‘yung proseso,” giit ni Domingo.

Ito ay makaraan na­­man na ihayag ng Pfizer, Moderna, at Russia sa pamamagitan ng kanilang Sputnik V ang pagiging epektibo ng kanilang mga bakuna na lagpas 90 porsyento na ang “efficacy”.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with