Davao City balik-GCQ
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, “effective immediately” ang paglalagay sa GCQ ng probinsiya ni Pangulong Rodrigo Duterte at tatagal hanggang Nobyembre 30.
STAR/FIle
Davao City balik-GCQ
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling ibinalik sa general community quarantine (GCQ) ang Davao City dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng nagkakaroon ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, “effective immediately” ang paglalagay sa GCQ ng probinsiya ni Pangulong Rodrigo Duterte at tatagal hanggang Nobyembre 30.

Si Melquiades Feliciano, deputy chief Implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 para sa mga siyudad ng Bacolod at Cebu ang itinalaga na mamuno sa Coordinated Operations to Defeat the Epidemic (CODE) teams na ila­lagay sa Davao City para tumulong sa mga response activities.

Maglalagay din ng isang One Hospital Command Center sa siyudad upang mas mapabilis ang referral system matapos atasan ang mga pribadong ospital na itaas ang ward bed occupancy sa 20% hanggang 30%.

Sinabi pa ni Roque na sinosolusyunan na rin ang kakulangan ng mga nurses sa mga health facilities at nagda­dagdag ng mga high-oxygen cannulae, Favipiravir (Avigan), Remdesivir at medical equipment.

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with