P2 milyon kada araw multa sa mabagal na internet
Sa pagtalakay ng Senado sa panukalang budget ng DICT para sa 2021, sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na nais ng ahensiya na pagmultahin ang mga telcos ng P2 milyon kada araw para mag-deliver ng tamang bilis ng internet.
STAR/File
P2 milyon kada araw multa sa mabagal na internet
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinaas sa P2 milyon kada araw ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang multa sa mga telecom companies na hindi sumusunod sa ipinangakong internet speed.

Sa pagtalakay ng Senado sa panukalang budget ng DICT para sa 2021, sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na nais ng ahensiya na pagmultahin ang mga telcos ng P2 milyon kada araw para mag-deliver ng tamang bilis ng internet.

Ayon kay Lacson, na nag-sponsor sa budget ng DICT, kailangan itong gawan ng batas dahil sa umiiral ngayong batas na Public Service Act ay P200 lang ang multa sa bawat araw na paglabag ng telco sa naka-advertise nilang serbisyo tulad ng internet speed.

Sinabi ito ng senador matapos tanungin ni Sen. Grace Poe kung ano ang multa sa mga telco na mabagal ang internet service at hindi kagaya sa mga naka- advertise.

Paliwanag ni Poe walang matatakot kung P200 lang ang multa ng telcos kada araw, kaya naghain siya ng Senate Bill 1831 o Better Internet Act.

Sa ilalim ng panukala, itinatakda ang internet speed at oobligahin ang mga telco na magbigay ng hanggang 80% ng naka-advertise ng panahon ng subscription.

Inaprubahan na ang panukala sa ikatlo at pinal na pagbasa noong Setyembre.

 

INTERNET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with