5 vaccines nag-aplay ng clinical trials sa Pilipinas
Una nang nagpakita ng interes na magsagawa ng ‘clinical trials’ sa Pilipinas ang Gamaleya Institute ng Russia, Clover Biopharmaceuticals ng China, at Janssen Pharmaceutical ng Europa.
Handout / Russian Direct Investment Fund / AFP
5 vaccines nag-aplay ng clinical trials sa Pilipinas
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Limang pharmaceutical company na ang nagsumite ng aplikasyon sa Food and Drugs Authority (FDA) para magsagawa ng ‘clinical trials’ sa Pilipinas para sa kanilang binubuong bakuna kontra sa COVID-19.

Huling nagsumite ng aplikasyon ang AstraZeneca na nakabase sa United Kingdom (UK) na kasaluku­yang isinasailalim na ng FDA sa ebalwasyon.

Una nang nagpakita ng interes na magsagawa ng ‘clinical trials’ sa Pilipinas ang Gamaleya Institute ng Russia, Clover Biopharmaceuticals ng China, at Janssen Pharmaceutical ng Europa. 

Tanging ang Sinovac ng China pa lamang ang nakakatapos sa ‘pre-evaluation process’ ng vaccine expert panel ng FDA. 

Konting ‘documentation’ na lamang umano ang kailangan para makumpleto na lahat ng requirements at mag-umpisa na ng trials ang Sinovac.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas gusto ng pamahalaan ng Pilipinas na makapagsagawa ng trials sa mga Pilipino para maagang malaman kung epektibo ito. Maaari umano kasi na may iba’t ibang epekto ang mga bakuna sa iba’t ibang lahi ng tao.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with