^
Massive flooding sa Cagayan, Isabela isinisi sa black sand mining
Ayon sa Kilusang Mag­bubukid ng Pilipinas, bukod sa black sand mi-ning, talamak din ang illegal at legal logging sa lalawigan kaya hindi na nakapagtataka na nararanasan na ngayon ang epekto nito.
AFP/Philippine Coast Guard/Handout

Massive flooding sa Cagayan, Isabela isinisi sa black sand mining

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinisi sa talamak na black sand mining ang dinanas na “worst flood” sa Cagayan at Isabela sa pananalasa ng bagyong Ulysses.

Ayon sa Kilusang Mag­bubukid ng Pilipinas (KMP), bukod sa black sand mining, talamak din ang illegal at legal logging sa lalawigan kaya hindi na nakapagtataka na nararanasan na ngayon ang epekto nito.

Sinabi ni KMP President Danilo Ramos na matagal nang ipinanawagan ng mga mangingisda ang dredging sa Cagayan River subalit hindi ito binibigyang pansin at ngayong nagkaroon na ng pagbaha saka nakita ang kahalagahan nito at saka lang din ipinag-utos ng DENR ang dredging sa may 30km Cagayan River.

Kinuwestyon din nito ang pagbibigay ng permit ng DENR sa ganitong operasyon na may pag-apruba rin mula sa lokal na pamahalaan.

Ang Black sand mining ay tinuturing na legal basta lamang maisyuhan ng permit. Wala pang batas na ipinagbabawal ito at tanging limitasyon nito sa Mining Act ay hindi dapat gawin ang dredging sa mga reservoirs at protective areas subalit dahil sa epekto nito sa kalikasan ay naghigpit ang Mines and Geosciences Bureau sa pag-iisyu ng permit simula pa 2014 na nagresulta sa iligal na black sand mining.

Inamin ni Ramos na bagama’t naghigpit sa black sand mining ay ma­rami pa rin silang nakikitang mga Chinese vessel na nagsasagawa nito at ikinukubli ang iligal na operasyon sa dredging.

Sinasabing nasa $50M o P2.6-B kada buwan ang kinikita ng mga contractor sa Black sand mining sa Cagayan. Ang Black sand ay ginagamit na stabilizer sa concrete at steel pro-ducts gayundin ay ginagamit ito sa mga alahas at cosmetics manufacturing.

Bagama’t malaki ang kita sa black sand ay mala­ki naman ang epek­to nito sa kalikasan na pangu­nahin sa pagkawala ng fishery resources, erosion ng lupa at pagbaha.

Samantala, hiniling rin ng KMP sa liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco na isama sa imbestigasyon sa pagbaha sa Cagayan at Isabela ang isyu ng illegal na pagmimina at illegal logging dahil kung hindi ay mababalewala lamang at lalabas na moro-moro ang House inquiry nito dahil hindi mareresolba ang ugat ng problema sa Cagayan.

CAGAYAN FLOOD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with