_ngayon
^
Duterte in Camarines Sur after Typhoon Rolly
President Rodrigo Duterte responds to a query from the media on the sidelines of his visit to the areas affected by Typhoon Ulysses in Camarines Sur on Nov. 15, 2020.
Presidential Photo/Karl Norman Alonzo

#NasaPusoKoAngPangulo 'nag-no. 1' sa Twitter: Totoo ba?

James Relativo (Philstar.com) - November 18, 2020 - 5:02pm

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang aniya'y pamamayagpag ng pagtatanggol kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang nagdaang sakuna.

Ayon kay Communications Sec. Martin Andanar, nag-"top" ang trend na #NasaPusoKoAngPangulo sa Twitter bilang suporta kay Duterte sa gitna ng mga batikos sa kanyang response sa Bagyong Rolly at Bagyong Ulysses.

Ilang beses kasi nag-trend sa social media ang #NasaanAngPangulo matapos hindi makarinig mula kay Duterte ang ilang netizens noong nilubog ng typhoon ang Cagayan, Marikina atbp. lugar.

Basahin: 'Ulysses' death toll reaches 73

"Despite the relentless and absurd posts and comments by some individuals and groups on social media regarding the President’s supposed absence throughout the onslaught of Typhoon Ulysses, we thank the public for the continued support they have shown on social media," ani Andanar.

"As a proof of this support, #NasaPusoKoAngPangulo trended number 1 last night on Twitter as President Duterte explained to the public his actions and responses throughout the consecutive typhoons and amidst the pandemic."

Kung titignan ang top trends sa Pilipinas noong Martes gamit ang tracker na http://trends24.in, nalista ito sa mga nag-trending na topic ngunit hindi naging numero uno sa social networking site.

Ang hashtags na nanguna kagabi na may kinalaman sa presidente kasabay ng kanyang pagbanat kay Bise Presidente Leni Robredo ay ang kabaligtaran: #DuterteMeltdown at #NasiraanAngPangulo.

Sa kabila nito, binalaan ng kalihim ng PCOO ang taumbayan hinggil sa fake news kaugnay sa pagresponde ng presidente sa mga sakuna.

"We ask everyone to remain vigilant against misinformation, and be reminded of the division that its proliferation can cause," ayon sa kanya.

"Rest assured the Duterte administration continues to respond to the calamities that affect us all and to the needs of Filipinos in general."

Una nang naging meme sa social media ang pagtulog diumano ni Duterte habang binabayo ni "Ulysses" ang malaking bahagi ng Luzon noong nakaraang linggo, bagay na kanyang pinasinungalingan kagabi.

Kahit na "night person" daw si Digong, gising na gising daw siya noong nangyayari ang bagyo dahil nasa ASEAN Summit siya, habang "binubulungan" ang militar patungkol sa mga pangyayari ng bagyo.

"Gusto ninyong ipalabas natutulog [ako]. Kung ordinary times, walang emergency, walang typhoon, I told you right in the beginning of my term, I am a night person. My day starts at 2 o’clock in Malacañan," wika ni Duterte.

"Ngayon kung sabihin mo may emergency, natutulog ako sa umaga, hindi ako natulog noon. Gising ako ng umaga because of the [ASEAN] summit. At same time, I would go and whisper to the military guys in the room of how — how [the storm was] developing." — may mga ulat mula sa ONE News

FACT CHECK FACTCHECK MARTIN ANDANAR PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS AND OPERATIONS OFFICE RODRIGO DUTERTE TWITTER ULYSSES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with