^
Sa gitna ng COVID-19 pandemic, 30 pagamutan sinalanta ni 'Ulysses'
Nagsasagwan sa bangka ang residenteng ito sa Ilagan, Isabela matapos bahain nang husto ng Typhoon Ulysses, ika-14 ng Nobyembre, 2020
AFP/Bill Visaya

Sa gitna ng COVID-19 pandemic, 30 pagamutan sinalanta ni 'Ulysses'

(Philstar.com) - November 18, 2020 - 1:40pm

MANILA, Philippines — Hindi lang basta mga residente ang naapektuhan ng nagdaang Typhoon Ulysses nitong nakaraang linggo — walang lusot din kasi sa bagyo ang sari-saring health facilities na kumakayod sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic na pumatay na sa libu-libo sa bansa.

Ito ang ibinahagi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa reporters, Miyerkules, ilang araw matapos lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong pumatay sa 73 katao.

"Meron po tayong naitalang 30 affected health faciltiies sa Regions II, III, IV-A at tska sa Cordillera," ani Vergeire, batay sa mga datos kagabi.

Sinabi ito ni Vergeire matapos hindi makapagsumite ng COVID-19 data ng 31 laboratories simula ika-15 ng Nobyembre. 18 dito ang sarado noong Linggo — dahilan para 1,148 lang ang iulat na bagong COVID-19 cases kahapon.

Hindi pa naman klaro kung kasama ang mga nasabing laboratoryo sa mga nasalanta ng bagyo.

Sa ngayon, patuloy naman tumutulong ang DOH central office sa mga nasalantang health facilities sa pamamagitan ng pagtatalaga ng "health emergency response teams" sa Region II (Cagayan Valley), ang lugar kung saan pinakamaraming namatay sa bagyo.

Ang nasabing response teams ay nagsasagawa ng "surveillance, medical, water, sanitation and hygiene promotion, at tska mental health and psychosocial support" sa ngayon.

"Ang disease prevention and control bureau ng DOH naman ay nakapagbigay na ng ready to use supplementary food, ferous sulfate drops at calcium carbonate sa ilang regional offices," dagdag pa ni Vergeire.

Maglalabas naman daw ng situational report ang Kagawaran ng Kalusugan ngayong araw para sa kabuuang ulat ng DOH response sa mga naapektuhan ng nagdaang typhoon.

Sa huling ulat ng departamento, Martes, umabot na sa 410,718 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan patay na ang 7,862. — James Relativo

CAGAYAN VALLEY DEPARTMENT OF HEALTH FLOOD NOVEL CORONAVIRUS ULYSSES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with