^
Lumang dam ayusin na - Imee
Ang undated na larawan ng file na ito ni Sen. Imee Marcos
The STAR/Edd Gumban, file

Lumang dam ayusin na - Imee

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Sen. Imee Marcos ang rehabilitasyon at pag-upgrade sa mga lumang dam at imprastraktura ng tubig sa bansa.

Naniniwala si Marcos na ang ilang dekada nang napabayaang mga dam at iba pang imprastraktura ng tubig kaya nagkaroon ng flash flood sa Cagayan at Isabela.

Paliwanag ni Marcos, ang 38 taong nang Magat dam at iba pang mga lumang dam ay ilang dekada nang hindi na-upgrade o nagkaroon ng improvement at nakalbo na rin ang mga watershed sa paligid nito at posibleng bumigay kung di agad pinakawalan ang tubig.

Magiging pabalik-balik lamang umano ang mga kalamidad, pagpa-panic at pagdurusa ng mga residente sa paligid maliban na lang kung ipapaayos o i-improve ang mga water infrastructure sa bansa.

Kailangan na rin umano ng Metro Manila ng mas malaking water supply kumpara sa kayang ibigay ng 52 year old na Angat Dam dahil umaabot na sa 12 milyon at patuloy pang lumalaki ang populasyon ng Pilipinas.

DAM IMEE MARCOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with