^

Ayuda ng AFP, PNP, BFP, Coast Guard hingi ng NDRRMC

Angie dela Cruz, Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humingi na ng ayuda ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa AFP, PNP, Philippine Coast Guard, at Bureau of Fire Protection units para mag-augment at tumulong sa mga gagawing rescue operation, lalo na at buhos pa rin ang humihingi ng tulong matapos mai-stranded ang mga kababayan natin dahil sa malawakang pagbaha dulot ng bagyong Ulysses.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) deputy administrator for operations Assistant Secretary Casiano Monilla, mahigpit nilang tinututukan ang Marikina, Pasig at ang buong central Luzon.

Giit ng opisyal, bukas din ang mga private companies na may kakayahan na magsagawa ng rescue effort para tumulong sa mga na-stranded na mga kababayan natin.

Sa ngayon, hindi pa masabi ng NDRRMC kung ilan ang mga nailikas, maging ang mga lugar na lubog sa tubig baha dahil nakapokus ang lahat sa ginagawang rescue operation.

Samantala, nagpakawala na rin ng tubig ang Angat, Ipo, La Mesa at Wawa Dams na nagdulot naman ng mga pagbaha sa mabababang lugar.  Ayon sa PAGASA, patuloy na magpapakawala ng tubig ang mga dam upang maingatan ang structural integrity ng mga ito at maiwasan ang pagkasira.

NDRMMC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with