^

Bansa

'Tuldukan na natin': Sinas pinatitigilan mañanita issue, droga focus

Philstar.com
'Tuldukan na natin': Sinas pinatitigilan mañanita issue, droga focus
Litrato ni PNP chief Police Gen. Debold Sinas habang nagbibigay ng talumpati sa media
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Nakiusap ang bagong-talagang hepe ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na mag-"move on" na mula sa kontrobersyal niyang paglabag sa quarantine measures kontra coronavirus disease (COVID-19) — bagay na labis nabatikos nang marami nitong mga nagdaang buwan.

Kaugnay pa rin ito ng kanyang mañanita (hindi party), o birthday salu-salo, kasama ang higit 50 katao kahit na labag ito sa protocols ng enhanced community quarantine (ECQ).

Pero ngayong siya na ang bagong PNP chief, sinabi ni Police Gen. Debold Sinas na panahon na upang iisantabi muna ang nasabing usapin upang magampanan niya ang panibagong trabahong iniatang sa kanya ng presidente.

"Sa ngayon dapat tuldukan na natin ang mañanita. Naimbestigahan na 'yan, nasa prosecutor na po," wika niya sa mga reporters, Miyerkules, habang nasa change of command ceremony sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

"Six months na po at marami akong gagawin as chief PNP at sana kung magko-cover kayo sa akin, nakita ninyo naman ano talaga ginagawa namin."

Kasalukuyang may mga nakahaing kaso sa kanya sa Taguig City Prosecutor's Office, kahit na siya mismo na ang bagong mamumuno ng pulisiya.

Wala pa ring pinal na hatol sa mga reklamo laban sa kanya at iba pang mga opisyal na sangkot dito.

Basahin: Criminal, admin cases filed vs Sinas, 18 others

Una na siyang humingi ng tawad pagdating sa isyu ng mañanita ngunit iginiit na sumusunod naman sila sa social distancing.

Bukod pa riyan, sinabi niya na wala siyang panahon para sagutin sa ngayon ang lahat ng batikos sa kanya kaugnay ng isyu, ngunit tanggap naman daw niyang hindi raw ito maiiwasan.

"Mga batikos, kung 'yun talaga ang paniniwala mo, wala akong magawa. Mauubos ang oras ko kung lahat po ay sasagutin ko," patuloy niya.

Sa ngayon, pinaninindigan ng opisyal na bibigyang diin ngayon ng PNP ang kampanya laban sa mga rebeldeng komunista, bukod pa sa "national crusade against crime, illegal drugs, corruption, and terrorism."

CHR: Sana'y itaguyod niya ang human rights

Kahapon lang nang batiin ni Commission on Human Rights (CHR) spokesperson Jacqueline Ann de Guia si Sinas sa kanyang pag-assume ng pwesto nitong Martes, kasabay ng pag-asang makikipagtulungan sila pagdating sa pagtitiyak ng karapatang pantao.

"We cannot overemphasize the role of our law enforcers in making perpetrators accountable for their offenses. And, to this end, we also look forward to concrete actions from the PNP in realizing openness and genuine cooperation in investigating said human rights violations—even in cases when State officers and agents are allegedly implicated in their commission," ani De Guia.

"This includes cleaning up police ranks from erring officers, as well as instilling respect for human rights in their core."

Aniya, nawa'y mapanindigan ng kapulisan ang motto nitong "serve and protect," habang ibinabandila ang core values ng "service, honor and justice."

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang kastiguhin ng grupong Karapatan si Sinas dahil sa "paggagantipala" daw sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isa sa mga pinaka-"notorious" na human rights violators sa pamahalaan.

Ayon kay Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan, napansin na raw ng CHR ang pagtaas ng drug-related killings noong nakatalaga pa lang si Sinas sa Central Visayas Police Regional Office mula Hulyo 2018 hanggang Oktubre 2019.

Bukod pa 'yan sa mga pagpatay at "illegal arrests" habang ipinatutupad ang Synchronized Enhanced Management of Police Operations at Oplan Sauron sa Negros, bagay na pumuntirya diumano sa mga magsasaka at human rights advocates sa naturang isla noong nakaraang taon. — James Relativo at may mga ulat mula kay Franco Luna

vuukle comment

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

DEBOLD SINAS

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

KARAPATAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with