^

Bansa

Ekonomiya nabansot ng 11.5%; Malacañang kumbinsidong 'the worst is over'

Philstar.com
Ekonomiya nabansot ng 11.5%; Malacañang kumbinsidong 'the worst is over'
Makikitang magkatapat ang Ortigas Business at ilang barung-barong sa Pasig Floodway sa litratong ito, ika-25 ng Mayo, 2020, sa gitna ng COVID-19 pandemic
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Bagama't patuloy ang pagbagsak, bahagyang nakahinga ang ekonomiya ng Pilipinas matapos ang dahan-dahang pagluluwag ng mga lockdowns kaugnay ng coronavirus disease (COVID-19).

Ito ay kapansin-pansing pag-igi mula sa nakaraang -15.9% na pagliit ng gross domestic product (GDP) noong ika-2 kwarto ng 2020 — ang pinakamalaking pagbulusokng ekonomiya sa kasaysayan ng Pilipinas.

May kaugnayan: Philippines plunges into worst economic slump under democracy

"The Gross Domestic Product (GDP) growth rate recorded a decline of -11.5 percent in the third quarter of 2020," ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Martes.

Tumutukoy ang GDP sa kabuuang halaga ng lahat ng ng produkto't serbisyo na inaalok sa loob ng bansa sa isang takdang panahon.

Matatandaang lubhang naapektuhan ito ng COVID-19 pandemic, bunsod ng pagsasarado ng maraming negosyo at pagkakatanggal sa trabaho nang pagkarami-rami, sa takot na mahahawaan ng nakamamatay na virus.

"Kaya naman po nangyari ito, kasi nga po nag-[modified enhanced community quarantine] na naman po tayo sa Metro Manila at ilang mga probinsya sa CALABARZON, at dito po nanggagaling talaga ang 60% ng ating GDP," ani presidential spokesperson Harry Roquesa isang briefing.

Ngayong modified general community quarantine (MGCQ) na sa kalakhan ng bansa at general community quarantine (GCQ) na sa Metro Manila, dahan-dahan nang nanunumbalik ang public transportation at trabaho nang marami, dahilan para ma-minimize nang bahagya ang matinding pinsala ng lockdowns.

'The worst is over'

"Siyempre po 'yan ay malungkot na balita pero 'yan po ay improvement doon sa [16.9%] na pagbaba ng ating ekonomiya noong second quarter," patuloy ni Roque.

"[Pero] bahagyang umangat na po ang ating ekonomiya, nagpapatunay po that the worst is over."

Sa unang siyam na buwan, sinabi ng state statisticians na bumaba ang GDP ng 10% year-on-year, na mas malala sa target ng pamahalaan na 6.6% pagbaba.

Gayunpaman, optimisitiko rin si Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua sa mga bagong numero.

"The smaller GDP contraction of 11.5% in the third quarter... indicates that the economy is on the mend. The path is clearer to a strong bounce-back in 2021," ani Chua.

Una nang tinaya ng ilang analysts ang mas madilim na hinaharap para sa ekonomiya, na dating tinitignang "fastest growing" sa Southeast Asia, gaya na lang ni Rajiv Biswas, chief Asia Pacific economist mula sa IHS Markit.

'Pagkabarat' ng gobyerno nagpalala sa krisis'

Ayon naman sa IBON Foundation, kinukumpirma lang ng nasabing contraction na "worst performing economy" ang Pilipinas sa rehiyon ngayong 2020, lalo na't "tumatanggi" raw ang gobyernong gumastos para ayudahan ang pamilyang Pilipino at suportahan ang maliliit na negosyo sa gitna ng pandemya.

"It remains to be seen how much more spending the administration can manage in the fourth quarter of 2020. The Bayanihan 2 law is supposedly the government’s main response to COVID in the remaining months of the year," ayon sa grupo.

"However, as of the president’s last report to Congress at the start of November, it appears that at most just P28.4 billion has been spent so far. With only a little over a month left in the law’s effectivity, this is just 20.3% of Bayanihan 2’s Php140 billion in appropriations and just 17.1% of its P165.5 billion including its standby fund."

Ang P3 trilyong itinaas sa government spending ng gobyerno sa unbang tatlong kwarto ay 15.1% increase lang mula sa parehong panahon noong 2019. Kahit na may 5.5% year-on-year increase ito mula noong isang taon, labis itong mababa kumpara sa 23.6% increase noong 2018.

Ayon naman kay Kanina Batnagar, ekonomista ng ANZ bank, kahit na nakabawi ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong third quarter, napakabagal daw nito dahil na rin sa "weak private consumption."

Ngayong takot lumabas ang mga tao, lumiit ang household spending ng 9.3% year-on-year noong huling kwarto. — James Relativo at may mga ulat mula kay Ian Nicolas Cigaral

GROSS DOMESTIC PRODUCT

HARRY ROQUE

IBON FOUNDATION

NOVEL CORONAVIRUS

PALACE

PHILIPPINE ECONOMY

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with